QUINOY ako!

no place like home…

Maria Aurora Town Fiesta 2009

Noong nakaraang fiesta ng Maria Aurora ay nagpalabas ng gaya ng mga nakagawian tulad ng Band and Lyre competition, Street Dancing, Mutya ng Maria Aurora, Tuklas Talino, at Stage Show sa huling gabi ng pagdiriwang.

Ang bagong nadagdag, sa sarili kong obserbasyon, ay ang assorted na race ng mga mountain bike, XRM motors, at ng 4 x 4 na ginawa sa may tabing ilog ng Diaman River sa pagitan ng Dikildit at Detailen.  Hindi naman naging exciting para sa akin ang nangyaring karera dahil sa expectation kong magiging kagaya nito ang nangyaring motocross sa Brgy. Quirino noong mga mid-‘80s sa pangunguna ni Mang Vady.  Tanging patibayan lang ng XRM motor ang nangyari at wala namang lumilipad na kagaya nila Jolet Jao at Jovy Saulog.  Ganunpaman maganda na rin at nagkaroon ng 4×4 race bagamat di pa gaanong maraming obstacle gaya ng napapanood sa CATV para maging thrilling at exciting.

Hindi pa rin nakaligtas sa mga pag-uulan ang mga programa ng fiesta.  Ayon sa aking nasagap ay may ilan ding naiuwing mga awards ang ating barangay ngunit di gaya nung nakaraan na nahakot halos lahat ng Riverside.  Ang dating champion ng nakaraang fiesta sa Maria Aurora na band and lyre ng ECRMNHS at naging champion din sa provincial competition nung nakaraang Aurora Day (nakakabilib!) ay bumagsak sa pangalawang puwesto at naagaw ang kampeonato ng MCHS.  Kapansin-pansin ang pagkadismaya ng mga Quinoy at mga Riversiders sa resulta at hindi nila matanggap sa paniniwalang mas maganda pa rin ang ipinakitang gilas ng ECRMNHS sa competitiong ito.  Ang pambato ng Quirino sa Mutya ng Maria Aurora na si Aya Isabel Teh na siyang nanalong Miss Quirino 2008 ay nakakuha ng Second Runner UP at Miss Smart award sa nasabing pageant.  Nakuha naman ng Quirino ang unang pwesto sa pagandahan ng arko sa dinaanan ng parada.

Narito ang ilang mga larawang kuha sa fiesta ng Maria Aurora:

Kuha ang mga larawan ni Richard Casison.

July 27, 2009 - Posted by | EVENTS

1 Comment »

  1. an invitation to all….try to watch d video coverage of the band competition2009 just visit ecrmnhs2009 at you tube. i posted it there!!!!!tnx

    Comment by ahyen | July 28, 2009


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s