QUINOY ako!

no place like home…

Paalam, Kagawad Ruben Dacumos

dacumos21Makaraan ang ilang buwang pakikipaglaban sa sakit na kanser, tuluyan nang namaalam sa kanyang mga kamag-anak at kaibigan ang masipag na konsehal ng ating barangay na si Kagawad Ruben Viernes Dacumos.  Siya ay 59 taong taong gulang.  Binawian siya ng buhay sa kanilang bahay sa Brgy. Quirino noong Enero 2, 2009.

 

dacumosKilala si Konsehal Ruben Dacumos bilang isang masipag na kabarangay na maraming naiambag sa ating pamayanan.  Hinawakan niya ang pagkapangulo ng MARISTA(Maria Aurora Riveside Tricycle Association) mula 1996 hanggang 2002.  Bilang pangulo ng samahan, isinulong nya ang pagpapatayo ng tulay para sa mga tricycle na naging malaking tulong para sa mga tiga Riverside.  Dalawang beses din siyang naging pangulo ng Festejos sa barangay at nagsilbi rin siyang pangulo ng Purok Bagong Sikat 1.  Sa kagustuhang makatulong sa ating barangay, sinubukan din ni Dacumos na kumandidato bilang Kapitan ng barangay ngunit hindi siya nagtagumpay sa halalan.  Noong 2002, siya ay nahalal bilang Kagawad ng Sangguniang Barangay at muling nahalal sa gayunding pwesto sa nakaraaang eleksiyon noong Nobyembre, 2007.

 

Sa paghatid sa kanya sa huling hantungan noong Enero 11,  si Konsehal Dacumos ay ginawaran ng luksang parangal ng Sangguniang Barangay bilang isang kagawad nito, ayon kay Punong Barangay Onasis Roquillo.  Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe sa nasabing parangal ang mga dati at kasalukuyang  kasamahan niya sa Sanggunian, si Mayor Ariel Bitong, dating DILG Officer Espinosa, at si Konsehal Jonathan Hungriano ng Sangguniang Bayan.

 

Si Konsehal Ruben Dacumos ay ipinanganak noong Agosto 19, 1949, sa Brgy. San Leonardo, Maria Aurora, Aurora, kung saan unang nanirahan ang kaniyang pamilya bago lumipat sa ating barangay.

 

______________________________

Ulat sa kabutihang loob ni Kap Onasis Ronquillo

January 27, 2009 - Posted by | EVENTS

1 Comment »

  1. […] barangay.   Lubos akong nalungkot ng mabalitaan ang di magagandang balita na namaalam na sina Kagawad Ruben Dacumos at si Gng. Belen de Vera. Kami po ay nakikiramay lalo na sa mga anak ng dalawang pamilya na aming […]

    Pingback by Kumusta batangbalete? « batangbalete | March 9, 2009


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s