QUINOY ako!

no place like home…

>> “Alamat” ng Sementeryo sa Quirino

Ang blog na ito ay may layuning magbalita tungkol sa mga kaganapan sa ating barangay at mga kabarangay sa iba’t-ibang sulok ng mundo, at maging pahayagan ng mga opinyon at saloobin sa mga isyu.

Quirino Cemetery Scandal.  Sa pagbugso ng ating mga mambabasa sa panahon ng kapistahan ng ating barangay ay pumutok ang iba’t-ibang isyu sa pamamahala ng ating public officials.  Isa sa mga isyung ito ang tungkol sa ating Barangay Cemetery na diumano ay ipinagbili ni Konsehal Jonathan Hungriano, kasalukuyang kagawad ng Sangguniang Bayan ng Maria Aurora, noong siya ay nanunungkulan pa bilang Kapitan ng ating barangay.

Sa aking pagkakaalam, ang sementeryo sa ating barangay ay nai-turn over na sa Pamahalaang Bayan ng Maria Aurora at ito ay naisagawa sa termino ni Kapitan Hungriano, kung saan ang may akda pa ang nagsisilbing Kalihim ng Barangay.  Napagkasunduan ng Sangguniang Barangay na ibigay na sa Pamahalaang Bayan ang pangangasiwa ng nasabing pook-libingan upang ma-obliga ang Pamahalaang Bayan na maglaan ng pondo para sa pagmimintina ng kalinisan at kaayusan o pagpapaunlad dito.

Sa aking sariling obserbasyon sa aking madalang na pagbisita sa ating barangay ay wala namang pinagkaiba ang bagong pangangasiwa  dito ng Pamahalaang Bayan sa dating pangangalaga nito ng barangay, sapagkat noong nakaraang Pista ng mga Patay ay malalago pa rin ang mga damo dito.  (O baka kaya wrong-timing lang ako?)

Ngunit may malaking ipinagbago na nga sa pangangasiwa sa sementeryong ito.  Ang dating libreng lote para sa ating paglilibingan ng ating yumao ay may bayad na ngayon sa munisipyo ng ating bayang Maria Aurora na umaabot sa may P1,000 hanggang 1,700 kada loteng paglilibingan depende sa itatayong istraktura, maging ito ay simpleng nakatarak na krus na kawayan o marmol na nitso na may  bungalow-type na silungan at bakod na grills.

Paliwanag ni Konsehal Hungriano.  Sa aming huling pag-uusap ni Konsehal Hungriano ay kanyang hiniling na ilathala dito ang kanyang paliwanag sa isyu ng pagkakabili ng nasabing sementeryo.  Ayon sa kanya, ang kinatatayuan ng nasabing sementeryo ay dating pagmamay-ari ni G. Valentin Dulatre.  Ito ay walang bukod na titulo at bahagi lamang ng mother lot na pagmamay-ari ni G. Dulatre.  Samakatuwid, ang lote ng sementeryo kaylanman ay hindi naging pag-aari ng Pamahalaang Barangay ng Quirino, bagkus ito ay sa isang pribadong mamamayan na kung tutuusin ay may karapatan ang may-ari nito na isara ang nasabing lote sa mga tao o magpabayad kaya sa bawat maglilibing dito.  Kaya’t naisipan ni dating Kapitan Hungriano na kausapin si G. Dulatre tungkol dito at pumayag naman ang huli na pabayaran na lang ang lote ng sementeryo sa Pamahalaang Bayan upang ganap na itong maging publikong libingan.  At ang nasabing lote ng sementeryo ay nabayaran nga kay G. Dulatre sa halagang P70,000, humigit-kumulang.

“ Ang lote ng sementeryo ay binayaran ng Pamahalaang Bayan ng Maria Aurora kay G. Valentin Dulatre na walang napunta sa akin kahit isang piso,” paglilinaw ni Konsehal Hungriano.

 

________________________________

Ang site na ito ay bukas sa paglilinaw sa mga isyu.  Para sa opisyal na mensahe mag-email lang sa quinoyako@gmail.com.   Maaari ding magpost ng inyong comments para sa agarang paglalathala ng inyong reaksiyon at opinyon.

August 24, 2008 - Posted by | EVENTS

20 Comments »

  1. Sino sya? Pardon me, dunno this charming lady quinoy. Maybe its more substantial if given some info about our quinoy feature, jaz my 10 cents…

    Comment by Dahongpalay | August 25, 2008

  2. hhmmmm, kirei nan desu yo,quinoy san dare nan desu ka? otoko kana, onna kana? onamae wa?

    Comment by waQalee | August 25, 2008

  3. Kilala ko yan ah…sya si ****** ******* hanep ganda pla sa picture sguro pati sa personal on the record yan stin. Salamat Dok! (Some texts deleted by the author to maintain suspense, not a matter of rule, only of style, with due respect to the commentor)

    Comment by PBCom | August 25, 2008

  4. waQalee, hapones k b o ngtra2baho sa japan? ang administrator ng site na i2 ay lalaki at cya ay si mr. stallion. waQalee-san donata desu ka? yososhiku. ja ne.

    Comment by boku ikemen | August 25, 2008

  5. wow sexy!

    bakit nasan na yung ibang mga pictures na nakapost dati?

    Comment by **QUEER EYE** | August 27, 2008

  6. (to comment #5) Alin? Ahhh… Nagkavirus e kaya pinalitan ko ng iba. Lakas ng virus lumaki mga tyan namin dun, hehehe. Buti na lang di na nakita ng mga walang “queery eyes”… Tagay na!

    Comment by Stallion | August 27, 2008

  7. (to comment #4) naku parang di mo kilala si waQalee! Sa mukha, sa salita at sa “gawa” hapon nga yan! Joke lang waQalee ha. Pero one thing is sure: dugong Quinoy yan.

    WaQalee, I’m just the author of this post, and sometimes the designer of this blog. Naturally, lalaki ako nho!!!Stallion is a male mammal. Dont tell me susunod na akong maging “white lady”? Katuwaan lang po…

    Comment by Stallion | August 27, 2008

  8. uy insan ko un huh!!

    Comment by weirdo | August 28, 2008

  9. hi stallion! i’m pretty sure you’re the same person who created this site… but anywayz, could you kindly give us update as to when Pinoy Records will showcase the balete tree. you know,we don’t wanna miss that episode.

    and just so you know… you’ve done a good job!

    Comment by nins | August 28, 2008

  10. hehehe,, nakilala ko na sya.. stallion sori mejo mali lang pagkatype ko ng japanese.. di naman sayo ung tanong na yon.. offcourse i do know you, stallion na stallion ka nga e,.. o ano tagay na

    Comment by waQalee | August 29, 2008

  11. Hi Guys!

    DID YOU KNOW THAT THERE WILL BE AN UPCOMING MOVIE ENTITLED “Baler”

    According to Manila Bulletin today,”Baler” movie costs up to 100M produced by Viva Films and an entry to the Manila Film Festival this year.

    “Baler” refers to the town of Quezon which is now known to be Province of Aurora.

    Senator Edgardo Angara donated copies of the book “Baler Aurora” for the said most expensive and most ambitious project of Viva Films ever.

    The cast of the movie “Baler” are Anne Curtis, Jericho Rosales and many more.

    (Just a bit of a background of the story)

    “Baler” is a love story set against the backdrop of the 1898
    wartime action between a 57-man Rifle Batallion of the Spanish military and the Filipino Forces more popularly known as Siege of Baler.

    It tells of the overwhelming love of a young Filipina (Feliza)and a Spanish-Filipino soldier named Celso Resurrecion. Feliza is the beauitiful daughter of Nanding, a member of the rebel movement whose primary role is to wipe out completely the Spanish soldiers stationed in Baler.
    Feliza is inlove with a man his father despises and because of this she and Celso have to keep their love a secret. Nanding can never accept Celso who is half-Indio but who chooses to serve the enemies instead of his fellow Filipinos (the insurgents) who are struggling and fighting for their independence and freedom. (Manilla Bulletin, Aug. 31, 2008)

    Let’s be proud. Another blast coming from Aurora.

    Comment by **QUEER EYE** | August 31, 2008

  12. yeah… lumabas nga siya sa Manila Bulletin kahapon (Aug 31) pero ilang buwan na yang usap-usapan sa batangbaler.net saka sa PEP.
    Anyway, baler is kilometers away, so I don’t think maisasali tayo jan. We were once part of the town, pero ngayong di na tayo part ng Baler, di tayo magiging sikat jan. It’s not about Aurora anyway, its about Baler.

    Comment by certified public addict | September 1, 2008

  13. but still baler is a part of aurora which is our own province.and we shld be part of that because still we are part of it.

    Comment by centerstage | September 27, 2008

  14. correction po..we should be proud of it because we are still part of aurora , where baler is part of.

    Comment by centerstage | September 27, 2008

  15. think about it in a logical side. Aurora is the universal term, and the towns are the specific ones. What Aurora has, the town have. But you cannot reverse the equation, saying that what Baler has, Aurora also has.
    im not saying na di tayo dapat maging proud. ang sinasabi ko lang, di tayo magiging sikat jan.

    Comment by certified public addict | October 1, 2008

  16. ano aabangan nmin ulit ang taong allien?wak n sana ipost ulit please kc ndi nman ndi interesting yan…iba nman ung gaya ng cover court tapos n b?or ung mga building s balete inaalis n b?wak nman yang ganyan lalo lang dadami multong bakla dyan s atin dahil gagayahin yan.tnx and more power to quinoyako.wordpress.com

    Comment by von sutil | October 2, 2008

  17. hai!!!

    Comment by eden dulatre opelac | October 2, 2008

  18. hai!!kua song!!!
    muzta nah poe
    ikaw????
    bebe 2!!!!
    thank u 4
    supporting
    lola ntin!!!
    hehehehe
    mis yah!!!!!

    Comment by diana jane opelac | October 2, 2008

  19. ,.,janssen palitan moh aman ung primary moh,.,
    ,.,hehe’,.,

    Comment by jane | October 3, 2008

  20. hi! certified public addict.. why are you so hard about it.Someone just shared an info and gave some appreciation to baler and aurora. I think its just simple, when you have a brother and he accomplished something..you can also be happy about it. Don’t be so harsh! that’s bad.Learn how to be appreciative and be happy for others.Hope you don’t get me wrong.

    Comment by -k-h-a-y-e- | October 6, 2008


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s