QUINOY ako!

no place like home…

>> Brgy. Quirino, venue muli ng District at Division Meet 2007

Sa mga susunod na araw muli na namang tatanggap ang Barangay Quirino ng mga delegasyon at bisita mula sa iba’t ibang athletic unit ng bayan ng Maria Aurora para sa taunang Palarong Pambayan o District Meet. Ito ay gaganapin mula Nobyembre 19 hanggang 22.

Gayundin naman, ang mas malaking Palarong Panlalawigan o Division Meet ay dito rin sa ating barangay gaganapin at nakatakda namang simulan sa Disyembre 9, 2007.

Dahil dito, muli na namang ihahanda ang ipinagmamalaki nating palaruan sa nasasakupan ng Quirino Elementary School para sa magkasunod na dalawang palaro. Ang palaruang ito sa ating barangay ay paboritong pagdausan ng pambayan at panlalawigang athletic meet dahil sa natatanging maluwang na oval at iba pang kagandahan ng lugar.

November 16, 2007 - Posted by | EVENTS

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s