QUINOY ako!

no place like home…

>> Quirino: Ala-ala ng Presidente

Kung nabubuhay pa siya, 117 taong gulang na siya sa araw na ito.

 

Siya ang ikaanim na pangulo ng ating bansa, si Elpidio Rivera Quirino (November 16, 1890 – February 29, 1956). Sa kanya nga ipinangalan ang ating barangay bilang siya ang pangulo noong ito ay itinatag noong taong 1949. Nagsilbi siyang pangulo mula April 17, 1948 hanggang December 30, 1953. Dating bise presidente ng bansa noong 1948, ang kanyang pagka-pangulo ay bunsod ng pagpanaw ng noo’y pangulong Manuel Roxas na namatay dahil sa atake sa puso, at nagpatuloy siyang pangulo sa pagkapanalo niya sa halalan nang sumunod na taon. Ipinanganak sa Vigan, Ilocos Sur at unang nanirahan sa Aringay La Union, si Quirino ang kauna-unahang Ilocanong presidente ng bansa.

 

Ngayong araw ay ginugunita ang ika-117 kapanganakan ni Pangulong Quirino sa Vigan, Ilocos Sur at Manila. Basahin dito ang kabuuan ng balita.

 

Hindi man katulad na pinag-uukulan sa ating barangay ang paggunita sa araw ng kanyang kapanganakan ay makasasapat na rin para sa kagaya natin na sa mga sandaling ito ay maala-ala natin siya bilang pinagmulan ng pangalan ng ating barangay at pangalang pinag-ugatan na rin ng blog na ito.

 

Subaybayan ang mga post tungkol sa kasaysayan ng pagkakatatag ng Barangay Quirino sa blog na ito. Maging instrumento rin sa pagbubuo ng sipi ng kasaysayan sa pamamagitan ng inyong mga komento at mahahalgang kontribusyon.

November 16, 2007 - Posted by | Quirino Facts

3 Comments »

  1. wow ang galing

    Comment by jonathan_allstar29 | June 14, 2009

  2. w0w..gratzz…patay…loyahan

    Comment by chrismar | January 5, 2010

  3. If only I had a penny for every time I came here.. Superb article.

    Comment by Marcia Ambrose | May 28, 2010


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s