QUINOY ako!

no place like home…

>> Fiesta 2007

Ang Fiesta 2007 o mas upgraded na tawagin nating Pagdiriwang ng ika-58 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng ating barangay sa taong ito ay isang simpleng pagdiriwang lamang, kumpara sa mga nakaraang pagdiriwang. Nagkaroon lang ng Auditorium sa unang gabi, Coronation Night sa ikalawang gabi at sa huling gabi naman ay ang kinagigiliwan din ng marami at tiyak na siyang pinagkagastusan ng malaki ng Festejos – ang Variety Show.

Kapansin-pansin ang kawalan ng sigla sa mga pang-araw na programa dahil maliban sa Palo Sebo ay wala nang mapaglibangang panoorin gaya ng nakagawiang Amateur Singing Contest (Sayang, di tuloy ako nakasali…) at ang sana ay nagpapa-alikabok ng kalsadang cycling. Kungsabagay di rin naman nakisama ng maganda ang panahon dahil nag-uulan din lalo na sa gabi.

 

 

 

 

 

Basang Sisiw sa Auditorium. Di ko inakala na sa unang gabi pala ang Auditorium Night. Dati kasi sa Sabado Night ito ginaganap. (Di tuloy ako nakapagkatay ng kambing pang-pulutan). Dahil maulan, naglagari ang mga tao paalis at pabalik sa kani-kanilang mga table. Ganunpaman ay tuloy pa rin ang kasiyahan hanggang madaling araw. Masaya pa rin ang party na tinugtugan ng Municipal Band kung saan vocalist pa rin sila Ogie at Vilma.

Basketball League Muling Pinasigla. Nagkaroon din ng awarding sa Basketball sa gabing iyon ng Auditorium. Maganda pala ang ginawang palaro ng basketball– with credits to the organizers sa pangunguna ni Mr. Onassis Ronquillo at siyempre sa mga donors ng papremyo. Balita ko ay nagbigay din ng donasyon para sa palaro ang kabarangay nating si Ric Orogo na nasa US of A na sa ngayon. Tunay ngang hindi pa rin nakakalimot ang ating mga kabarangay mula sa ibang bansa. Makikita ang mga pasadyang trophies sa mga nanalo gayundin sa mga MVP at iba pang individual awards. At siyempre may kalakihan din ang premyo. Congrats saRiver Alley ang champion sa nasabing palaro, ang bagong team na kinabibilangan ng mga players mula sa Quirino at Debucao. Meron din palang kategorya para sa mga kababaihan at ito ay sinalihan ng ibat-ibang barangay. Ang mga officials ay galing pa sa bayan at kapansin-pansing naka-uniporme na rin sila bilang propesyonal na referees. Makikita rin ang paghahanda ng Basketball Court dahil inihabol ang unang phase ng inaasam-asam na Covered Court ( huh, sa wakas!), pinatungan na rin ang dating binabahang court ng may isang piye (1 foot) kapal ng concrete at medyo makinis na. Sana nga ay ito na ang huling Fiesta kung saan nababasa ang aking sapatos sa pagsasayaw sa court na ito.

 

Coronation Night. Sa ikalawang gabi ang koronasyon ng Royal Family. Di ko na rin nasaksihan ang buong programa dahil sa badya ng ulan, ngunit nakaabot din ako sa huli at natapos naman ang programa bago bumagsak ang ulan. Ang Queen sa taong ito ay ang beauty and talent na si Miss Mary Joy Emocling.

 

Inagurasyon at Pagbabasbas sa Bagong Barangay Hall. Ang isang pinahalagahang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan ay ang inagurasyon ng bagong two-storey Barangay hall. Ito ay makikitang nakatayo sa dating kinatatayuan ng dating lumang multipurpose hall. Pinangunahan ito ni Governor Bella Angara-Castillo kasama si Mayor Ariel Bitong at ang Sangguniang Barangay. Ito anila ang isa sa pinaghandaan ng Sanggunian kung kaya’t di na sila nakapaglaan ng pondo para sa ibang palaro.

Text and Photos by Stallion

 

September 27, 2007 - Posted by | EVENTS | ,

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s