Demetria “Etring” Lomboy, 1934-2009
Ang ating kabarangay na si Gng. Demetria Jacoba Lomboy ay pumanaw na noong ika-5 ng Hulyo, 2009. Siya ay 74 taong gulang.
Bilang naging kasama sa mga gawaing simbahan, malaki ang naging ambag ni Nanang Etring sa pagtatayo ng samahang Katoliko sa Brgy. Quirino hanggang sa magkaroon ang barangay ng sariling parokya, ang Parokya ni Maria, Ina ng Sambayanan ng mga Dukha. Kasama niya sa pagtataguyod sa samahang pananampalatayang ito ang kaniyang asawang si G. Juanito Lomboy na nauna nang namayapa sa kanya. Siya rin ay naging aktibong miyembro ng Senior Citizens at ng Samahan ng mga Beterano.
Ang kaniyang labi ay kasalukuyang nakaburol sa kanilang bahay sa Brgy. Quirino, Maria Aurora, Aurora. Ihahatid siya sa kanyang huling hantungan sa Linggo, Hulyo 12, 2009.
Ang inyong lingkod at ang site ng Quinoy Ako! ay lubos na nakikiramay sa naulila ni Gng. Lomboy.







