QUINOY ako!

no place like home…

>> Mga Kandidatong Kapitan at Kagawad, ‘di na nakapagtalumpati sa mga huling oras ng kampanyahan (Miting de abanse)

Tanda ba ito ng mainit na pulitika sa Quirino?

Ang kaganapang ito ay nasaksihan ng may-akda bilang siyang napagkaisahang maging non-partisan emcee sa nasabing Miting de Abanse.  Naging maganda na sana at smooth-sailing ang programa nang tutulan ng kasalukuyang Kapitan at kandidato sa gayunding pwesto na si Rogelio “Kiyong” Japson na daanin sa palabunutan (draw-lots) ang unang magsasalita sa kanila ng katunggali sa pwesto na si Mr. Onassis Ronquillo.  Pinagmatigasan naman ito ni Mr. Ronquillo dahil ito umano ang napagkasunduan nilang mga kandidato sa harap ng Comelec officer.  Ngunit hindi pa rin pumayag si Kap Japson at aniya siya ay humihiling lang na siya na ang huling magsalita at sana ay pagbigyan naman siya bilang kasalukuyang Kapitan ng barangay.  Ang “standoff” na ito ay hindi naresolba at dahil dito ay di naman pumayag si Mr. Ronquillo na simulan ang programa hanggang di pa ito naaayos, kung kaya’t naantala ang pagsimula sa programa maging ang unang bahagi na sana ay para sa kandidatong SK chairman at kagawad.

Ganunpaman, matyaga pa rin ang mga taong naghintay, at bilang alternatibo ay nagpakitang-gilas na lang ang mga dancers ng magkabilang grupo at nagmistula nang dance showdown ang dapat sana ay pagpapahayag ng plataporma de gobyerno ng mga kandidato.

Ika-11:00 na ng gabi nang magkasundo ang magkabilang panig na pagsalitain na ang mga kandidato ng SK at sa nakatakdang deadline na 12:00 ay iisipin mong hindi na magsasalita ang mga kandidato sa pagka-Kapitan at Kagawad ng barangay.  Matiwasay at kahanga-hanga ang mga talumpati ng mga kandidato ng SK samantalang tuluyan nang natunaw ang pagkakataon ng mga kandidatong Barangay Kagawad at Kapitan.  Isang kaganapang malilista sa kasaysayan ng pulitika sa barangay na ito.

Bakit ayaw maunang magsalita?  Ayon kay Kap Japson, dapat lang namang siya ang huling magsalita bilang siyang tumatayong Kapitan sa kasalukuyan at upang masagot nya ang anumang isyung ibabato sa kanya sa pananalita ng katunggaling si Mr. Ronquillo at ng kanyang mga kagrupo.  Ayon naman kay Mr. Ronquillo, tapos nang mapag-usapan ang nasabing palabunutan at dapat na ito ang siyang sunding alituntunin.

Sa aking nalanghap na simoy ng pulitika sa araw na iyon na siyang huling araw ng pangangampanya ay napag-alaman ko na may kainitan ng pagbabato ng mga isyu sa isa’t isa kung kaya’t humantong sa ganitong sitwasyon ang nasabing Miting de Abanse—bagay na lumikha ng usap-usapan, espekulasyon, o pagkadismaya sa mga nakasaksi at nakabalita.

Subali’t maaaring isipin na ang pagkaunsyami sa pananalita ng mga kandidato ay isang “divine action” na pumigil sa mas mainit pang iringan ng magkabilang panig na maaaring humantong sa lalong hindi magandang pangyayari.

Ikaw, ano ito sa tingin mo?  Ipahayag ang iyong saloobin, magkomento sa post na ito.

Abangan ang mga huling kaganapan at resulta ng Eleksyong Barangay at SK sa ating barangay sa blog na ito.  Kapit lang, Quinoy… 

About these ads

October 28, 2007 - Posted by | EVENTS

No comments yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.